ni Kris Shane D. Anicete
Idinaos nang matagumpay ng mga Senior ASB Officers ang halalan para sa pagpili ng bagong kinatawan ng mga mag-aaral na nasa ikapitong baitang matapos ipakilala ang mga kandidato sa halos 200 mag-aaral sa Assumpta Court 1 noong ika-30 ng Agosto taong kasalukuyan.
Ang mga nailuklok na pangulo ng klase sa bawat pangkat ang nagsilbing mga kandidato para sa posisyon at nabigyan ng pagkakataon na ipahayag ang kanilang mga adhikain para sa kanilang mga kapwa mag-aaral at sa buong paaralan. Napuno naman ng nakabibinging hiyawan at palakpakan ng mga mag-aaral ang AC1 nang isa-isang magbigay ng mensahe ang bawat kandidato upang patunayan ang kanilang mga sarili at ipamalas ang kanilang angking kahusayan sa pananalita.
“Assumpta has a special place in my heart, and I will gladly work in partnership with the school for the benefit and betterment of it. I will strive to make myself available and extend my help whenever you need me” ani ni Caetlin Madison G. Saul, ang idineklarang kinatawan ng mga mag-aaral ng ikapitong baitang na nagmula sa 7-4 Justice. Si Saul rin ang kukumpleto sa Assumpta Student Board ng paaralan para sa taong panuruang 2023-2024, at inaasahang makakasama sa buong-puso at tapat na paglilingkod sa mga Assumptans.
![IMG_6414_(1)](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/09/IMG_6414_1-150x150.jpg)
![IMG_6419_(1)](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/09/IMG_6419_1-150x150.jpg)
![IMG_6420_(1)](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/09/IMG_6420_1-150x150.jpg)
![IMG_6426_(1)-min](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/09/IMG_6426_1-min.jpg)
![IMG_6429_(1)-min](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/09/IMG_6429_1-min-150x150.jpg)
![6](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/09/6-150x150.jpg)
![IMG_6433 (1)](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/09/IMG_6433-1-150x150.jpg)
![IMG_6436_(1)](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/09/IMG_6436_1-150x150.jpg)
![ASB Grade 7 Representative](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/09/ASB-Grade-7-Representative-150x150.jpg)
![IMG_6446_(1)](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/09/IMG_6446_1-150x150.jpg)