Balita
ni Kim Charles M. Cano
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/11/369528082_181035525002627_7254738743241176495_n-1-1024x378.jpg)
Isinagawa ng National Telecommunications Commission-Region 3 (NTC-Region 3) kaagapay ang Globe Telecom ang isang Cyber Security Seminar sa Assumpta Technical High School nitong Miyerkules, ika-9 ng Nobyembre taong kasalukuyan, na aktibong nilahukan ng mga piling mag-aaral mula Senior High School at ibang mga guro at kawani ng paaralan.
Isa ang Assumpta Technical High School sa mga mapalad na paaralang napili ng Globe Telecom upang magsagawa ng isang seminar na naglalayong mapaigting ang mas ligtas na paggamit ng teknolohiya ng mga mag-aaral. Ang nakababahalang pagdami ng kaso ng panloloko o scams, lalo na nitong pandemya, ang nagtulak sa kanila upang isagawa ang mga seminar sa iba’t ibang paaralan sa Gitnang Luzon.
Pinagtuunan ng seminar ang mga paksa tungkol sa Digital Insight o ang paggamit ng impormasyon bilang isang produkto at Digital Impact. Maliban sa mga ito, tinalakay din ang tungkol sa Online Netiquette, Digital Discernment, at Parent Education. Nagtapos ang seminar sa iniwang hamon at paalala ng resource speaker sa wastong paggamit ng teknolohiya na gagabay sa mga mag-aaral, guro at kawani ng paaralan. Sa huli, ginawaran naman ng mga sertipiko ang mga taong boluntaryong nagbahagi ng kanilang kaalaman sa mga mag-aaral at guro ng Assumpta.
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/11/385529424_357365273326387_9023922929375859139_n-1024x576.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/11/384557617_3229408270696774_4613716980079312905_n-1024x576.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/11/385559155_871932147896520_642334458938747066_n-1024x576.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/11/371538940_330311199627649_8042915471699724969_n-1024x576.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/11/386826538_884996309891295_1644029837254443936_n-1024x576.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/11/386885052_997105088251216_5770351566167302006_n-1024x576.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/11/385526724_1562446961226984_8407970776450415148_n-1024x576.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/11/385526201_703211441746988_8242755726436783155_n-1024x576.jpg)