Balita
ni Gng. Ma. Lourdes Cuyugan
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2024/01/417528505_266403349657816_5145072040346526050_n-1024x376.jpg)
Sinimulan na ang Work Immersion ng mga mag-aaral sa iba’t ibang strands ng Senior High School ng Assumpta Technical High School noong ika-10 ng Enero 2024 sa pangunguna ni Gng. Marlyn Simbulan, ang Assistant Director for Senior High School, kasama ang mga guro sa Work Immersion na sina Gng. Arbhee Salazar, Gng. Ma. Lourdes Cuyugan at Bb. Jeniña Pagsanjan. Layunin ng programang ito na magbigay sa mga mag-aaral ng praktikal na kaalaman at kasanayan na kaugnay sa kanilang napiling larangan. Ito rin ay isa sa mga hakbang ng paaralan upang maihanda ang mga mag-aaral ng Senior High School sa kanilang tatahaking trabaho sa hinaharap.
Bilang paghahanda sa nasabing programa, dumaan ang mga mag-aaral sa oryentasyon noong ika-9 ng Disyembre 2023 sa pangunguna ni Gng. Marlyn Simbulan. Nagkaroon din ng pagpupulong ang mga mag-aaral noong ika-13 ng Disyembre 2023 sa pangunguna naman ng kanilang mga guro sa Work Immersion na sina Gng. Arbhee Salazar, Gng. Ma. Lourdes Cuyugan at Bb. Jeniña Pagsanjan. Maliban dito, nagkaroon din ng oryentasyon ang mga magulang ng mga mag-aaral noong ika-16 ng Disyembre 2023.
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2024/01/418723618_357862500336940_8491706812987980267_n-1024x768.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2024/01/418715663_381736524547298_981005051745974324_n-1024x768.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2024/01/418892024_756840069242509_7818000667849192824_n-1024x768.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2024/01/417234977_418117340557074_20475405922021792_n-1024x768.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2024/01/417502550_787146453241282_7487728478548567290_n-1024x768.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2024/01/422139728_398359692868520_2528579855957914340_n-1024x768.jpg)
Sa pamamagitan ng Work Immersion, inaasahan na magkakaroon ng malawak na pang-unawa ang mga mag-aaral sa aktwal na takbo ng industriya at kung paano nagtatagumpay ang mga propesyunal sa kanilang larangan pinili. Nakatulong rito ang aktibong pakikiisa at suportang patuloy na ibinubuhos ng mga lokal na negosyo at industriya sa programa na mas lalong nagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral at nagpapabuti sa ugnayan ng paaralan at ng mga kalapit na komunidad.
Binisita rin ng mga guro ng Work Immersion Program ang mga mag-aaral sa kani-kanilang mga nakatalagang kompanya at institusyon upang sila ay kumustahin kasama na rin ang kanilang mga employer. Sa kabuuan, binisita ng mga guro ang 180 mula sa 216 na mga mag-aaral na katumbas ng 83.33%. Nagtapos ang Work Immersion ng mga mag-aaral noong ika-23 ng Enero 2024 at matatapos naman ang kabuuan ng programa sa ika-16 ng Pebrero kasabay ng pagpapasa ng mga mag-aaral ng kanilang portfolio na naglalaman ng kanilang mga karanasan sa isinagawang Work Immersion Program.
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2024/01/418617915_371031315546327_8690172134628168393_n-1024x576.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2024/01/421606179_823192292870422_3684956408905131207_n-768x1024.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2024/01/421635501_594566082862806_2622616425113556814_n-1024x576.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2024/01/417221845_771036701542395_6115338671754446486_n-768x1024.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2024/01/418937452_397734995956316_8793055199892895294_n-1024x576.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2024/01/421587921_918344373010415_6529744469482256838_n-768x1024.jpg)