Balita
ni Josh Mykel B. Maniego
Naihalal na ang mga bagong manunungkulan bilang mga Junior at Senior Assumpta Student Board Officers sa taong panuruang 2024-2025 matapos ang naging halalan nitong ika-15 ng Mayo ng taong kasalukuyan, sa pangunguna nina Senior ASB Moderator Bb. Kate Fajardo para sa hayskul at Junior ASB Moderator Bb. Alliah Raven Reyes para sa elementarya kasama ang mga kasalukuyang opisyales ng ASB.
Sinimulan ang gawaing ito sa pamamagitan ng isang miting de avance o ang huling pangangampanya bago ang botohan upang magkaroon ng pagkakataong makapagpakilala ang bawat kandidato at mailatag ang kanilang mga plataporma at programa. Bago ang nasabing pagpupulong, nagkaroon na rin ng inisyal na pangangampanya online ang bawat partido sa pamamagitan ng pagpo-post sa facebook page ng Assumpta Student Board.
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2024/05/441385457_122205772040002927_8988793278818691246_n-768x1024.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2024/05/442467286_122206201826002927_2561141128198697634_n-724x1024.jpg)
Maaalalang ito ang ikalawang halalang isinagawa nang face-to-face mula noong pandemya, kaya naman bakas sa mga mukha ng mga mag-aaral ang pananabik na bumoto lalo na nang tumayo sa entablado ang mga kandidato ng Yapak at Bridgers sa hayskul at Team Responsibility at Team Shining Star sa elementarya.
Matindi ang naging labanan sa pagpili kung sino ba ang nararapat na mailuklok sa bawat pwesto, ngunit sa huli, ang nagwagi bilang Junior ASB President ay si Ma. Nadira Bernix Cruz at Senior ASB President naman si Khloe Harbie F. Valencia.
“The overall experience of running for a position in the Assumpta Student Board was challenging and beautiful. Being a member of the ASB is both an honor and a responsibility. Now that we have been elected, I do not promise to be a perfect ASB President, but I will do everything in my capability to do my job properly and to serve wholeheartedly. I will always remember and cherish the trust and support the Assumptans bestowed upon me, and use them as my driving forces to contribute to the betterment of the whole community.” saad ni Valencia
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2024/05/443818835_122206728110002927_9112072503489756849_n2.jpg)
Inaasahan ng mga Assumptans na ang mga pangakong kanilang binitiwan ay hindi nila makakalimutan sa halip ay masigasig nilang maipapatupad para sa ikabubuti ng buong komunidad ng Assumpta.
Narito ang listahan ng mga bagong mamumuno sa ASB:
JUNIOR ASB OFFICERS:
President: Maria Nadira Bernix A. Cruz
Vice President: Erin Bernadette P. Garcia
Secretary: Immary Therese O. Albino
Treasurer: Zyril Noah Manalastas
Auditor: Iomi Star D. Viray
Business Manager: Quin Chanel G. Guevarra
Public Relations Officer: Pierre Philip Pangan
Male Peace Officer: Mckane Ezekiel Soriano
Female Peace Officer: Ciley Iesha Gutierrez
Grade 6 Representative: Bettina Urice M. Dimla
Grade 5 Representative: Zandro Basilio
Grade 4 Representative: Emmanuelle Cailah S. Pelaez
SENIOR ASB OFFICERS:
President: Khloe Harbie F. Valencia
Vice President: Kim Charles M. Cano
Secretary: Erin Caeleigh G. Saul
Treasurer: Jewel Mae V. Bagtas
Auditor: John Paul Z. Tabafunda
Business Manager: Rowell Gabriel E. Basilio
Public Relations Officer: Kris Shane D. Anicete
Male Peace Officer: Jov Martin D. Tayag
Female Peace Officer: Kirsten Chloe C. Gaerlan
Grade 12 Representative: Khalil Ashlee D. De Guzman
Grade 11 Representative: Jasmine Nicole P. Chua
Grade 10 Representative: Ma. Carmelah Niculah B. Reyes
Grade 9 Representative: Julian Therese M. Guevarra
Grade 8 Representative: Caetlin Madison Saul
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2024/05/442498869_122206728140002927_5178900133737563099_n-768x1024.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2024/05/443818835_122206728110002927_9112072503489756849_n-768x1024.jpg)