You are currently viewing Pagdiriwang ng Buwan ng Wika, Nag-alab sa Assumpta

Pagdiriwang ng Buwan ng Wika, Nag-alab sa Assumpta

Balita

ni: Bb. Ella Mae Joyce Ombao

PARADA NG KULTURA’T KASAYSAYAN. Buhay na buhay ang kasuotan at karakter ng ating kultura’t kasaysayan sa makukulay na kasuotang ibinida ng mga Una at Ikalawang Baitang sa Character Dress-Up na bahagi ng pangwakas na gawain sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika nitong ika-30 ng Agosto, 2024. | Kuhang larawan ni Anne Eugenie Danielle Maniago.

Mainit at maalab ang naging pagsalubong ng buong komunidad ng Assumpta Technical High School (ATHS) sa muling pagbabalik ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa face-to-face na modalidad at pagdaraos nito sa buong buwan ng Agosto sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipino.

Nagsagawa ng paglulunsad ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa mga silid-aralan ang mga guro sa Filipino noong ika-8 hanggang ika-9 ng Agosto. Kasunod nito, pormal na inilunsad ang pagdiriwang sa buong institusyon noong ika-12 ng Agosto na may institusyonal na temang “Dilaab: Wikang Filipino, Wikang Mapagpalaya” na hinango sa temang inilabas ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) na “Filipino: Wikang Mapagpalaya”.

Binigyang-diin sa tema na ang wikang pambansa ang lundayan sa kalayaan ng bawat isa mula sa karahasan, kamalayan, kahirapan, katayuan, at kamangmangan. Kaugnay nito, ninais ng Kagawaran ng Filipino na mapasidhi ang pagtingin ng bawat isa sa wikang pambansa bilang wikang tutugon sa mga nakagagambalang realidad na umiiral sa lipunan, kaya’t ang salitang Cebuano na “dilaab”, na nangangahulugang naglalagabgab at nagliliwanag na apoy ay ginamit sa tema.

Bilang tugon sa tema at mga layunin, nagsagawa ng iba’t ibang gawain at aktibidad ang Kagawaran ng Filipino tulad ng paggamit ng Filipino Sign Language (FSL) sa pagbati bago at matapos ang klase sa Filipino mula una hanggang ikaapat na markahan ng Taong Panuruang 2024 – 2025, paggamit ng Wikang Filipino sa buong buwan ng Agosto sa mga pagpupulong, misa, anunsiyo, at iba pang mga programa at gawain, pagkakaroon ng Araw ng Wikang Filipino tuwing ikalawa at huling Biyernes ng bawat buwan, pagpapaskil ng mga tampok na salita at mga bagong kaalaman sa bawat silid-aralan maging sa Facebook Page ng paaralan at pagpili sa pinakamahusay na tagapagsalita sa Wikang Filipino sa bawat klase.

Dagdag pa rito, nagkaroon din ng mga paanyayang aktibidad tulad ng “FiliBooklatan” katuwang ang LRC sa pagtatampok ng mga akdang Filipino, “Abaka-BASA, Oo sa Literasiya” kung saan inanyayahan ang mga mag-aaral mula Ikawalo hanggang Ikalabindalawang Baitang na boluntaryong ipagbabasa ang mga mag-aaral sa Una hanggang Ikatlong Baitang, “Panulaan sa ATHS” kung saan ang mga mag-aaral, kawani, at mga guro ay malayang magpasa ng kanilang mga tula batay sa mga paksang ibinigay ng Kagawaran ng Filipino, at nagkaroon din ng “Pautakan sa Panitikan” kung saan may mga patimpalak na inihanda para sa bawat baitang: Fili-Parade para sa mga Baitang 1-2, Pagbigkas ng Tula sa mga Baitang 3-4, atimpalak sa Pagguhit ng Poster sa mga Baitang 5-6, Masining na Pagkukuwento para sa mga nasa Baitang 7-8, Spoken Poetry para sa mga nasa Baitang 9-10, Patinikan sa Panitikan na tagisan ng kaalaman sa panitikan para sa mga nasa Baitang 11-12, at Fili-Bingo naman para sa mga guro at empleyado ng Assumpta.

Noong ika-30 ng Agosto naman idinaos ang panapos na gawain upang pormal na wakasan ang pagdiriwang at ginawaran ng mga parangal ang lahat ng nagsipagwagi sa mga paanyayang aktibidad at patimpalak. Dumagundong ang bulwagang Assumpta Court 1 (AC1) sa kagalakan nang simulan ang programa sa parada ng mga mag-aaral mula Una hanggang Ikalawang Baitang suot ang kanilang mga makukulay na kasuotan na hango sa mga tauhan ng iba’t ibang akdang pampanitikan sa Filipino at mga bayani. Matapos ang Fili-Parade na ito, ginawaran ng parangal ang mga nagsipagwagi sa iba’t ibang mga patimpalak. Nabigyan din ng pagkakataong magtanghal ang mga hinirang na kampeon sa bawat patimpalak.

Narito ang listahan ng mga nagsipagwagi sa mga patimpalak na inilunsad ng Kagawaran ng Filipino para sa Buwan ng Wika:

Fili-Parade:

1-A
Unang Puwesto – Wing B. Maliksi
Ikalawang Puwesto – Deutsch Muller A. Villanueva
Ikatlong Puwesto – Jayne Benize V. David

1-B
Unang Puwesto – Kyle Reynestin G. Memes
Ikalawang Puwesto – Briella Zaab P. Guillera
Ikatlong Puwesto – Maria Mikaela B. Cortez

1-C
Unang Puwesto – Exequiel III M. Baje
Ikalawang Puwesto – Maico Gavriel S. Vergara
Ikatlong Puwesto – Samara Beatrice T. Rivera

2-A
Unang Puwesto – Shanon Angela A. Lacanilao
Ikalawang Puwesto – Domingo III D. Bonifacio
Ikatlong Puwesto – Jay Ar B. Gonzales

2-B
Unang Puwesto – Cedric Ace D. Bajares
Ikalawang Puwesto – Heart Aubrianne P. Ramos
Ikatlong Puwesto – Veen Anica N. Cunanan

2-C
Unang Puwesto – Bernice Jessy Y. Zapanta
Ikalawang Puwesto – Candace Mauree N. Gonzales
Ikatlong Puwesto – Marcus Josef D. Zapanta

Panulaan sa ATHS:

Pangkalahatang Kampeon – Donne Antonina D. Dela Cruz (12-2)
Unang Puwesto – Chris Annea Chloe G. Sabile (10-2)
Ikalawang Puwesto – Luisa Angela C. Viñas (10-3)
Ikatlong Puwesto – G. Jose Jeicy M. Cunanan (Kagawaran ng Araling Panlipunan)

Fili-Bingo:

Unang Puwesto – Gng. Rosally V. Gutierrez (CAE)

Pagbigkas ng Tula:

Unang Puwesto – Iomi Star D. Viray (4-B)
Ikalawang Puwesto – Ily Sofia Shanelle S. Datu (4-C)
Ikatlong Puwesto – Andrea Gaile M. Nuqui (4-A)

Pagguhit ng Poster:

Unang Puwesto – Kharis Imeely M. Musni (6-C)
Ikalawang Puwesto – Zoe Kirsten L. Zapata (5-B)
Ikatlong Puwesto – Bettina Urice M. Dimla (6-A)

Masining na Pagkukwento:

Unang Puwesto – Mary Therese Johnielle G. Yumang (8-3)
Ikalawang Puwesto – Patrick Aedriel T. Pabola (7-1)
Ikatlong Puwesto – Maria Angelica Charles C. Majan (7-3)

Spoken Poetry:

Unang Puwesto – Christian Jake C. Garcia (10-2)
Ikalawang Puwesto – Luisa Angela C. Viñas (10-3)
Ikatlong Puwesto – Luis Ignacio B. Tayag (9-4)

Patinikan sa Panitikan:

Unang Puwesto – 11-1
Erin Caeleigh G. Saul 
Eldrian B. Sioco 
Gian Karl Antonio G. Anabo

Ikalawang Puwesto – 12-2
Luis Fernando C. Canoza 
Lara Jane R. Abogoa 
John Gabriel L. Gabon

Ikatlong Puwesto – 11-4
Aedan James B. Dominguez   
Jasmine Randel E. Soreño 
Laurence Emerald V. Gomez

 

Samantala, sa talumpati ni Bb. Jannie Loren P. Chavez, koordineytor ng Kagawaran ng Filipino, pinasalamatan niya ang buong komunidad ng Assumpta sa pagsuporta at aktibong pakikilahok sa mga aktibidad na inilunsad para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon. Binigyang-diin din niya na may mga magpapatuloy pa ring programa kahit tapos na ang pagdiriwang at hiniling niya ang patuloy na pagsuporta ng komunidad sa mga gawaing katulad ng pagpapaskil ng tampok na salita at bagong kaalaman sa Filipino, ang pagkakaroon ng Araw ng Wikang Filipino, patuloy na paggamit ng FSL sa mga pagbati, pagpili ng pinakamahusay na tagapagsalita sa Wikang Filipino, Abaka-BASA, Oo sa Literasiya, at ang Literacy Project ng kagawaran.

Tunay nga namang matagumpay ang naging pagbabalik ng face-to-face na pagdiriwang ng ng Buwan ng Wika sa buong buwan ng Agosto. Muling pinaalab ang pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang pambansa ng Pilipinas, sapagkat saanmang anggulo tingnan, ang Wikang Filipino ay tunay na wikang magpapalaya sa bawat isang mamamayang Pilipino.

MABUHAY, WIKANG FILIPINO! Aktibong nakilahok ang mga Assumptan sa Assumpta Court 1 sa pangwakas na gawaing pinangunahan ng Kagawaran ng Filipino sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika nitong ika-30 ng Agosto taong 2024. | Kuhang larawan at kapsyon ni Bb. Kate Fajardo
BUHÁY ANG PANITIKANG PILIPINO. Itinanghal muli ng mga mag-aaral na nakakuha ng Unang Puwesto na sina Christian Jake C. Garcia (kaliwa), 10-2, at Mary Therese Johnielle G. Yumang (kanan), 8-3, ang piyesang nagpanalo sa kanila sa Spoken Poetry at Masining na Pagkukuwento sa entablado ng AC1, Assumpta Technical High School (ATHS), San Simon, Pampanga nitong ika-30 ng Agosto, 2024. | Kuhang larawan ni Anne Eugenie Danielle Maniago.
ALAB NG WIKANG FILIPINO. Nag-alab ang partisipasyon ng mga Assumptan sa mga gawaing inihanda ng Kagawan ng Filipino tulad ng Character Dress-Up (Baitang 1 at 2), Pagbigkas ng Tula (Baitang 3 at 4), Pagguhit ng Poster (Baitang 5 at 6), Masining na Pagkukuwento (Baitang 7 at 8), Spoken Poetry (Baitang 9 at 10), at Patinikan sa Panitikan (Baitang 11 at 12) para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Dilaab: Wikang Filipino, Wikang Mapagpalaya” ngayong buwan ng Agosto, 2024 (Tingnan ang mga larawan mula sa kanan, pakaliwa). | Kuhang larawan at kapsyon ni Bb. Niña P. Gragasin
NGITING TAGUMPAY. Isang ngiting tagumpay nga ang mababakas sa mukha ng mga nagsilbing liwanag sa isang matagumpay na pagwawakas ng pagbibigay-pugay sa Wikang Filipino —ang mga guro sa Kagawaran ng Filipino kasama ang Assumpta Student Board (ASB) Officers na naging tagapagdaloy ng programa (mga mag-aaral na nakasaya’t barong). | Kuhang larawan ni Anne Eugenie Danielle Maniago.