Lathalain
ni Bb. Niña P. Gragasin.
“Imbes na lumife style [magkaroon ng magarbong pamumuhay] ako nang sobra ‘yong standard of living ‘yong ginawa natin. Saka naisip ko no’n ang MRMF, tumakbo siya gamit lang iyong mga donasyon. Why not help ‘yong misyon na pagtulong saka si St. Marie Eugenie selfless din. Naging inspirasyon ko talaga ang misyon ng school [sa pagtulong].”
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/10/384470293_1072274923934573_4287544949353102053_n-2-1-1024x654.jpg)
Iyan ang pahayag sa panayam ni Ginoong Martin Lance Dizon, ang tao sa likod ng pagpapatayo ng isang bagong silid-aralan sa Grade School Building ng Assumpta, nito lamang ika-29 ng Setyembre ng taong kasalukuyan. Ang kanyang pagtulong sa paaralan ay tanda ng kaniyang patuloy na pag-ako sa ipinamanang misyon sa kaniya ng paaralan. Binasbasan ang bagong silid-aralan ni Fr. EJ Cruz at dinaluhan ito ng kaniyang pamilya kasama ang mga madre ng Religious of the Assumption, Gng. Arlene Carlos, ang punong guro ng paaralan, kasama rin ang mga miyembro ng core group, at iba pang kawani ng paaralan.
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/10/387572108_1409864652901840_1358428923863582040_n-1024x768.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/10/382556758_1435149227051770_6622601505944272418_n-1024x768.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/10/387641585_1707264093070928_2830931856019925420_n-1-1024x683.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/10/387617277_703994004909272_7859297655654069416_n-1024x768.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/10/384419575_695042715453686_1028324342916056411_n-1024x768.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/10/387337054_690278362706979_8365471410598643403_n-1024x768.jpg)
Produkto din ng Assumpta si G. Dizon na nagtapos noong taong 2009. Nakapagtapos siya ng kurso sa Hotel and Restaurant Management at kalauna’y pumasok sa pagnenegosyo’t umunlad ang pamumuhay. Ayon pa sa kaniya, isa lamang siyang simpleng tao noong siya ay nag-aaral pa lamang at hindi rin niya inasahan na makapag-aabot siya ng tulong sa paaralang kaniyang pinagmulan.
Ang misyon ng Assumpta ang nagtulak kay G. Dizon upang balikan ang paaralang humubog at kumalinga sa kaniya. Kaya naman, dalangin niya na ang bawat Assumptan ay mag-aral nang mabuti at tumulong din sa paaralan sa darating na panahon. Ito rin ang hamon niya sa kaniyang kapwa mga alumni lalo na sa mga matagumpay na rin sa buhay. “Maging priority ang pagkakaroon ng simpleng buhay at mag-give back. Parang i-challenge ko sila na tumulong sa iba, makapag-give back lalo na sa Assumpta, lalo na alam naman nila na ang Assumpta hindi naman profit organization.
Isang patunay si G. Dizon sa lahat, na lumipas man ang maraming taon, ang mga turo ng Assumpta ay mananatiling nakatatak sa puso ng kaniyang mga anak na hinubog ng maraming taon. Ang butil ng misyong itinanim sa puso ng mga ito, kalauna’y yayabong, mamumunga, at sa iba’y makapagbibigay na rin ng buhay.
Ikaw, handa ka rin bang ipagpatuloy ang misyon ng Assumpta?
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/10/382529473_762763619193692_2178446468257253146_n-1024x768.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/10/387588548_3147511852222200_3932747773552259723_n-1024x768.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/10/382542091_325593700048900_5020322635804279670_n-1024x683.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/10/382559829_646900870610129_3047149024961974459_n-1-1024x683.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/10/382540874_328332599691015_4384451906760911172_n-1-1024x768.jpg)
![](https://aths.edu.ph/wp-content/uploads/2023/10/385390725_994727635144783_7009911095074295983_n-1024x768.jpg)