You are currently viewing Ikalawang PACEP, dinaluhan ng 358 na mga magulang, guro at mga kawani

Ikalawang PACEP, dinaluhan ng 358 na mga magulang, guro at mga kawani

Balita

ni Bb. Ariane C. Montemayor

Isinagawa sa Assumpta Technical High School noong ika-25 ng Nobyembre taong kasalukuyan ang kauna-unahang harapang pagpupulong para sa ikalawang Parents’ Continuing Education Program o PACEP pagkatapos ng pandemya na dinaluhan ng 358 na mga magulang, guro, tagapangalaga, at kawani ng paaralan.

Ang programang ito ay isang paraan upang magkaroon ng mabuting ugnayan ang mga magulang at ang paaralan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kaganapan, mga programa at aktibidad sa loob ng paaralan na makatutulong upang mas lalong masuportahan ang kanilang mga anak. 

Sinimulan ang pagpupulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng formation session sa pangunguna ng inimbitahang tagapagsalita na si Gng. Nina Gabitan-Ibuan. Binigyang-diin dito ang mga wastong gawi at asal na dapat ituro ng mga magulang sa mga mag-aaral sa pagharap sa iba’t ibang hamon ng teknolohiya sa makabagong mundo. Sinundan naman ito ng pagpapaliwanag ng Promotion and Retention Policy na mahalagang malaman ng mga magulang upang magsilbing gabay at paalala sa pag-aaral ng kanilang anak lalo na’t ang huling bahagi ng gawain sa araw na iyon ay ang pagkuha ng card ng mga mag-aaral para sa unang markahan.

Dagdag pa rito ang pagsasagawa ng halalan ng Parents Teacher Association Executive Board at Homeroom Representatives na mamumuno mula sa taong 2023 hanggang 2025 at magiging katuwang ng paaralan sa pagsasakatuparan ng mga programa at gawain na tutugon sa kaniyang Philosophy, Mission, Vision, at Objectives. Ang naganap na eleksyon ay sinang-ayunan ng 44.75% ng bilang ng mga magulang at manggagawa ng paaralan na siyang naging korum upang maituloy ang nasabing gawain.

Narito ang mga bagong halal na PTA Executive Board at Homeroom Representatives mula Pre-school hanggang Senior High School: